Inihayag ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa kanyang talumpati sa ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan na mithiin umano ng pangulo na makalaya ang bansa sa kahirapan at kakulangan ng economic opportunities.
Tiniyak ng Pangulo sa mga Pilipino na susuportahan niya ang malayang Pilipinas mula sa nakakasirang political at social conditions na posibleng magresulta sa pagiging bihag muli ng mga Pilipino.
Sinabi pa ng pangulo na magagalak ang mga bayani ng nagdaang panahon dahil hindi na kailanman magiging sunod-sunuran ang Pilipinas sa mga anumang pwersang panlabas o mga bantang pananakop.
Hinikayat naman ng Pangulo ang mga Pilipino na magnilay-nilay kung paano binago ng kalayaang ito ang kasaysayan ng Pilipinas.
Apela nito sa lahat na magkaisa, maging makabayan at magkaroon ng malasakit sa isa’t isa dahil iba na ang pangangailangan ng Pilipinas. Iba na ang ating kailangang ipaglaban, iba na ang mundo. Yan ang bisyon ng ating mga kabataan na kailangang gawin ng ating liderato sa ngayon upang tumatag ang Republika ng Pilipinas.
Kung ang Pangulong Marcos ay nanguna sa Luneta, pinangunahan naman ni Defense Secretary Gilberto “Gibo’ Teodoro ang wreath laying ceremony sa Mausoleum of the Veterans of the Revolution sa loob ng Manila North Cemetery.
Dito mariin niyang sinabi na ang Pilipinas ay para sa Pilipino, interes ng Pilipino ang dapat manguna. Sa ating mga kababayan, kailangan, aralin nang mabuti ang mga hamon na hinaharap ng ating bansa ngayon.
Sinabi pa ni Sec Teodoro na kailangan na magkaroon ng diskurso at dayalogo para magkaintindihan sa mga isyu na humaharap sa ating bansa. Para sa gano’n, makipag-ugnayan tayo bilang magkababayan, bilang magkakapitbahay, para sa ganoon, lumakas ang ating bansa.
Samantala bilang pag alala sa mga bayani kabilang na ang mga beterano ng digmaan at mga retiradong sundalo …- One of the essential tasks or jobs of the Secretary of National Defense is to ensure the welfare of our veterans. Yan po ay patuloy na ipinagbibilin ng ating Pangulo sa at sisikapin po natin na masiguro na they get the best of care, particularly those who cannot care for themselves, pagtiyak ni Gibo.














