Latest News

Malakanyang, binuksan sa publiko sa tradisyunal na ‘Simbang Gabi’

Binuksan na sa publiko ang Malakanyang para sa tradisyunal na Simbang Gabi.

Nabatid na ang siyam na gabing Misa de Gallo ay isinasagawa sa parking area ng Mabili Hall sa loob ng Malacanang compound.

Inianunsiyo ito ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa ginanap na Christmas party ng mga empleyado ng Office of the President .


Ayon kay Undersecretary Cheloy Garafil, officer in charge ng Office of the Press Secretary (OPS), ang misa ay ginaganap tuwing alas-4:30 ng madaling araw.

Maari umanong dumaan sa Gate 6 para makarating sa Mabini Hall ang publiko. (Jantzen Tan)


Tags: Jr., Pangulong Ferdinand Marcos

You May Also Like

Most Read