Peoples Tonight Online

MALAKANYANG AT PRRD, PAREHONG PANANAW NA SI MAYOR HONEY ANG DAPAT MAMUNO SA MAYNILA

By: Bernie Ang

Tila tuliro na sa pagkadesperado ang mga kalaban sa pulitika ni Manila Mayor Honey Lacuna.

Bukod kasi sa paglalabas ng sangkatutak na pekeng survey, marami na ding nahuli ang mga otoridad sa Maynila na nagtatambak sa lungsod ng mga basurang hinakot pa mula sa labas ng Maynila.

Hindi naman siguro dapat pang pag-isipan kung sino ang nasa likod ng mga ganitong uri ng gawain. Sabi nga, “alam na this.”


Itong mga taong kagaya nito ay hindi marunong tumanggap ng pagkatalo bilang disente at marangal na mamamayan.

Alam kasi nila na hindi pa man dumarating ang panahon ng kampanya ay angat na angat na si Mayor Honey kumpara sa mga kalaban, sa kabila ng ang mga ito ay hayagang nalabag sa regulasyon sa pamamagitan ng maagang pagkampanya, paggastos nang walang patumangga at paninira nang walang humpay.

Lubhang hinahangaan ng mga taga-Maynila ang kagalingan ni Mayor Honey sa paghawak ng pondo ng bayan at pagsisinop nito. Patunay ang mga proyekto na naitaguyod niya sa kabila ng P17.8 bilyong utang na iniwan ng kanyang pinalitang si Isko Moreno.

Bukod pa diyan ay nagagawa ng administrasyon ni Mayor Honey na magbayad at hulugan ang utang na iniwan ni Isko kaya naman nasa kategoryang ‘good credit’ ang Maynila ngayon, sa mata ng Land Bank at Development Bank of the Philippines.


Dahil diyan, lahat ng paraan ay ginagawa ng kanyang kalaban para sirain ang kanyang administrasyon, kasama na ang pananabotahe sa koleksyon ng basura sa pamamagitan ng walang humpay na pagtatambak ng mga basurang hinakot mula sa ibang lungsod patungo sa Maynila.

Bukod kasi sa napakataas na tiwala ng mga taga-Maynila kay Mayor Honey, nariyan din ang tiwala at bilib mismo ng Malakanyang at ni House Speaker Martin Romualdez, na pawang nagpapakita ng walang-sawang suporta kay Mayor Honey at sa lahat ng kanyang mga proyekto sa lungsod.

Dahil na rin ito marahil sa katotohanan na wala ni isang isyu ng korapsyon na maikakabit sa pangalan ni Mayor Honey dahil pagdating sa paghawak ng pera at sa pagbibigay ng serbisyo, talagang ito ay garantisadong ‘tapat at totoo.’ Hindi siya plastic, hindi sugarol, hindi bolero at higit sa lahat, hindi siya sinungaling.

Habang hayagan ang suporta ng Malakanyang kay Mayor Honey, inihayag naman ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kawalan nito ng tiwala kay Isko Moreno. Bagamat may gap ngayon sa kanila, nagkakaisa naman sila ng pananaw na hindi dapat isang kagaya ni Isko Moreno ang mamuno sa Maynila.


Sabi niya, para maayos na mapamahalaan ang isang lungsod, ang namumuno ay dapat na may utak at sapat na kakayahan dahil kapag hilaw ang tumatakbo ay hindi ito pupuwedeng mamuno ng malaking siyudad.

Nagbabala din ito laban sa kandidatong ‘bulaan’ o sinungaling, na ang pinatutungkulan ay ang ‘dating mayor’ sa Maynila.

Kung inyong maaalala, nag-deklara dati si Isko na hindi tatakbong Presidente pero tumakbo. Nitong huli naman, hindi daw siya tatakbong mayor at magreretiro na sa pulitika kapag natalong Presidente. Ano ba ang ginawa niya?

Sinungaling ba o hindi? Ano ba ang kapatid ng sinungaling? Kayo na ang sumagot.

Tags: bernie ang, Manila Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read