MALACANANG, HUMAHANAP NA NG KAHALILI NI GEN. MARBIL

By: Victor Baldemor Ruiz

MALAKI ang posibilidad na sadyang hindi matutuloy ang pinalutang na panibagong extension ng termino ni Philippine National Police chief p/General Rommel Francisco Marbil.

Bunsod ito ng pahayag ng Malacanang na namimili na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ng posibleng ihahalili kay General Marbil.


Sinasabing ihahayag agad ng commander-in-chief ang magiging kahalili ni Marbil na nakatakdang mapaso ang extension bilang hepe ng kapulisan ng bansa sa Hunyo 7.

Kabilang umano sa mga kinokonsidera sina PNP Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr., PNP chief directorial staff Lt. Gen. Edgar Allan Okubo, National Capital Region Police Office Director Brig. Gen. Anthony Aberin, Criminal Investigation and Detection Group Director Maj. Gen. Nicolas Torre III at PNP chief for Operations Lt. Gen. Robert Rodrigue.

“Sa ngayon po ay wala pa pong ipinapaabot sa atin. Hintayin na lang po natin ang announcement ng Pangulo patungkol diyan,” dagdag pa niya.


Pinalawig ni Marcos ang termino ni Marbil ng apat pang buwan epektibo mula Feb. 7, 2025, na kanyang retirement day, upang matiyak ang katatagan para sa 2025 midterm elections.

Tiwala naman si Marbil sa mga pinagpipiliang susunod na PNP chief at aniya, “Lahat po sila magagaling.” Tumanggi itong ihayag kung may inirerekomenda ba siya sa Pangulo na posibleng ihalili sa kanya.


“They have their own strengths and weaknesses. Lahat po sila capable to lead the Philippine National Police. Ang gagaling po ng mga ’yan. I can assure these people are very good,” ani Marbil.


Tags: General Rommel Francisco Marbil

You May Also Like