HINIKAYAT ng Malacañang ang mamamayan sa buong bansa na makiisa sa Earth Hour, isang annual global movement na layunin na maitaas ang kaalaman saclimate change at iba pang isyu may kinalaman sa kapaligiran.
Sinabi ni acting Presidential Spokesperson and Communications Secretary Martin Andanar, hinimok nito ang publiko na patayin ang kanilang mga ilaw mula alas 8:30 ng gabi hanggang alas 9: 30 ng gabi.
“Today, March 26, 2022, we celebrate Earth Hour,” ani Andanar. “Let us switch off all non-essential lights tonight at 8:30 p.m. as a show of solidarity and active involvement in shaping our future.”
Ginawa ni Andanar ,ang panawagan dahil ang pakikilahok ng mga filipino ay makakatulong para mabawasan ang epekto ng climate change sa bansa.
“The Philippines is highly vulnerable to the effects of climate change and this year’s Earth Hour is a good reminder that climate change and global warming are real issues that we need to pay more attention to and require urgent action,” dagdag ni Andanar.
Nalaman na sinimulan ng Earth Hour, ang switch-off event sa Sydney, Australia, noong 2007, at naging isang global grassroots environmental movement na naging inspirasyon ng milyon tao sa mundo.
Ang Pilipinas ay naging aktibong nakikiisa sa Earth Hour mula pa noong 2008.