MAGSASAMA sa isang sitcom sina Vic Sotto at Maja Salvador.
Ito ang bagong post ni Maja sa kanyang Instagram account.
Sa caption ng post sinabi ni Maja: “Open 24/7 SOON! Panibagong pangarap ko na naman ang natupad! last January nung malaman ko ang balita tungkol sa sitcom… finally Ito na at tuloy na tuloy na! A million thanks Bossing sa tiwala. #MzetProductions #Gma.”
Makakasama rin nila Maja si Jose Manalo.
“Yay! may bagong aabangan nanaman. Congrats my Ate Love you”
“Wow GMA aabangan ko yan!”
Wala pang ibang detalye na binigay si Maja pero sure na pagkatapos ng kasal ni Maja at Rambo Nunez ay magiging busy na naman siya sa kanyang career.
Sa ngayon ay busy ang aktres sa pagpe-prepare ng kasal nila ni Rambo na idaraos sa labas ng Pilipinas sa Hulyo.














