Wala nang buhay nang lumutang ang isang 27-anyos na maintenance personnel ng isang barko na aksidenteng nalaglag kamakalawa ng hapon sa karagatang sakop ng Manila Bay sa may Anchorage Area sa North Office Compound, Tondo, Maynila.
Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang katawan ng biktimang si Richard Paluga, maintenance ng 2go MV Maligaya at taga 34 1 Singapore St. Gawad Kalinga, Baseco Compound , Port Area, Maynila.
Sa imbestigasyon ni PSSg John Raul Rojo ng Manila Police District -homicide investigation, sinabi ni Petty Officer Anthony Robea ng PCG alas- 12:46 ng madaling araw nang makita niyang aksidenteng nalaglag sa barko ang biktima.
Alas-3:10 ng hapon nang lumutang ang katawan ng biktima sa lugar kaya sinagip ng mga tauhan ng PCG.














