Mahinang pagsabog sa Taal Volcano naitala ng Phivolcs

Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na nakapagtala ng 19 na mahihinang “phreatomagmatic bursts” o pagsabog ang Taal Volcano.

Isang mahinang pagsabog noong Biyernes ng hapon ang naitala ng remote camera monitoring sa main crater ng Taal.

Ayon sa Phivolcs, ang naturang mahihinang pagsabog ay nagdulot ng 200-metrong taas ng usok.


Kaya naman muling nagpaalala ang Phivolcs sa publiko na ang Taal Volcano ay nananatiling nasa Alert Level 1.

At kapag umano nagpatuloy ang mahihinang pagsabog na ito at makitaan ng pagiging muling “pag-aalburoto” ang Taal, maaaring itaas ng Phivolcs ito sa Alert Level 2.

Tags: Philippine Institute of Volcanology and Seismology

You May Also Like

Most Read