NASABAT ng pulisya ang mahigit P1 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Cabanatuan.
Nadakip ng mga tauhan ng Special Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Cabanatuan City Police Station ang suspek na si Arnold Palioc sa Barangay Bantug Bulalo.
Nakumpiska kay Palioc ang iligal na droga na nakapaloob sa 21 piraso ng heat sealed transparent plastic sachet at dalawang knot-tied transparent plastic.
May timbang ito na 150 gramo at may kabuuang halaga na P1,020,000.
Sa ngayon, kahaharapin ni Palioc ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.














