NASA isang kilo ng pinagbabawal na droga ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at Bureau of Custom sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Ang nasabing kargamento ay nadiskubre kahapon ng umaga sa pagtutulungan ng BOC-NAIA at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng NAIA Drug Interdiction Task Group (NAIA-DITG)
Nabatid na galing sa Malaysia ang naturang package na naglalamn ng kontrabando na inilagay sa loob ng mga rice cookers .
Subalit na sumailalim ito sa pagsusuri ay nadiskubreng may mga shabu na naka pakete na tumitimbang ng 1011 grams at nagkakahalaga ng P6,874,800.00 sa loob ng parcel.
Kaugnay nito, sinabi nina PDEA Director General Wilkins Villanueva at BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, ipagpapatuloy ng kanilang ahensiya ang mahigpit na pagpapatupad ng mga polisiya sa war on drugs ng pamahalaan.(VICTOR BALDEMOR)