Iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Martes na mahigit 73 milyong Pinoy na ang fully-vaccinated laban sa COVID-19 hanggang nitong Lunes, Setyembre 26, 2022.
Batay sa datos ng DOH, nabatid na kasama sa naturang bilang ang may 6.8 milyong senior citizen.
Mayroon rin namang mahigit sa 9.9 milyong adolescents at limang milyong bata ang fully-vaccinated na rin.
Anang DOH, mahigit 19.2 milyong indibidwal na rin ang nakatanggap ng kanilang first booster dose at halos 2.8 milyon naman ang nakatanggap na kanilang second booster shots.
Sa ilalim naman ng PinasLakas Campaign ng pamahalaan, iniulat ng DOH na hanggang noong Setyembre 22, 2022, mayroon na silang 38,691 na A2 o senior citizens na nabakunahan, mula sa kanilang 1.07 milyong target.
Nasa 2,933,208 indibidwal naman na mula sa 23 milyong target ang nakatanggap ng booster shots.
Sa kasalukuyan anila ay mayroon nang 19,283 PinasLakas sites ang DOH sa buong bansa. (Carl Angelo)