Dumating na sa bansa ang nasa 344 na distressed overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Saudi Arabia.
Ayon kay Department of Migrant Workers o DMW Secretary Susan Ople, dumating ang mga OFW kahapon ng hapon sakay ng Flight PR-8657 sa tulong ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Sinalubong ang mga OFW nina OWWA administrator Arnell Ignacio at DMW Asst. Secretary Venecio Legaspi.
Ang mga OFW ay bibigyan ng tulong tulad ng medical assistance at pamasahe pauwi sa kani-kanilang pamilya.