Latest News

MAHIGIT 3 MILLION PINOY, DUMAGSA SA MGA SEMENTERYO

By: Victor Baldemor Ruiz

MAHIGIT sa tatlong milyong Pilipino ang dumagsa sa mga sementeryo kaugnay sa paggunita ng sambayanang Pilipino ng Todos Los Santos na sinasabing maituturing na mapayapa sa pangkalahatan.

Sa isinumiteng ulat ng mga local government at kanilang kapulisan ay sinasabing umaabot sa 3 million Pinoy ang dumagsa sa mga sementeryo sa paggunita ng Undas 2013.


“Kahapon, (kamakalawa) araw ng Miyerkules ay umabot ng halos 3 million ang na-monitor po nating pumasok at lumabas ng mga sementeryo natin nationwide, ani Philippine National Police spokesperson Col Jean Fajardo.

Hanggang Huwebes sa paggunita ng All Souls’ Day ay patuloy pa rin ang pagbisita sa puntod ng mga namayapang mahal sa buhay sa iba’t-ibang sementeryo sa bansa, kaya tuloy-tuloy pa rin ang security coverage ng PNP na nanatiling nakataas ang antas ng alerto, ayon pa kay Fajardo.

Kaugnay nito, inihayag ni Fajardo na, “Overall po ay naging maaayos ang observance ng Undas at wala po tayong naitalang any major incidents,” ani Fajardo, kasunod ng pahayag na masasabing ‘generally peaceful’ ang ginawang paggunita ng Undas 2023. .


Sa lungsod ng Maynila ay umaabot sa 1,701,645 na indibidwal ang naitalang bumisita Manila North at South Cemeteries.

Nasa 1,211,050 ang kabuuang bilang ng mga nagtungo sa Manila North Cemetery sa nakalipas na apat na araw habang 490,595 naman sa Manila South na kapwa itinuturing na pinakamalaking semeteryo sa bansa.


Nabatid na manatiling naka -full alert ang PNP at patuloy din ang mga police assistance desks at roving personnel sa mga pangunahing semeteryo.

Nasa pasya na umano ng mga police regional directors kung ibababa nila ang antas ng kanilang alerto o tuluyan nang aalisin sa kanilang mga nasasakupan.


Nabatid na ang pananatili ng alerto ay bunsod din ng inaasahang pagdagsa ng tao na magbabalikan mula sa kanilang mahabang bakasyon sa kani-kanilang mga lalawigan kaugnay ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections at paggunita ng Undas at All Souls’ Day.

Tags: Philippine National Police

You May Also Like

Most Read