Sina Mayor Honey Lacuna at PESO chief Fernan Bermejo matapos ianunsyo ang pagdaraos ng panibagong job fair para sa mga residente ng Maynila na nangangailangan ng trabaho. (JERRY S. TAN)

MAHIGIT 2K NA TRABAHO, ALAY NI MAYOR HONEY SA MGA MANILENYO

By: Jerry S. Tan

MAGANDANG Balita para sa mga taga-Maynila na walang hanapbuhay.

Inihayag ni Mayor Honey Lacuna na mahigit 2,000 job vacancies ang naghihintay para sa mga aplikanteng taga-Maynila sa pamamagitan ng isa na namang job fair na gaganapin sa lungsod sa Miyerkules, February 12, 2025.


Ayon kay Lacuna, bukas ang nasabing job fair para sa mga high school graduates, college level maging sa mga college at tech/voc graduates.

Anang alkalde, ang job fair ay gagawin sa iallim ng pamamahala ng Public Employment Service Office – City of Manila na pinamumunuan ni Fernan Bermejo at sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment – National Capital Region at DOLE-NCR Manila Field Office.

Ang job fair na tinaguriang, “KALINGA SA MAYNILA PESO JOB FAIR,” ay gaganapin mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali sa panulukan ng Eden at Pedro Gil Streets sa Sta. Ana, Maynila.


Ayon kay Bermejo, pinapayuhan ang lahat ng aplikante na dapat ay naka- casual attire sila, magdala ng 10 kopya ng resume at mga ballpen at sumusunod sa mga public health protocols.

Tiniyak ni Lacuna na sa ilalim ng kanyang administrasyon, ang pagbibigay ng hanapbuhay para sa mga walang trabaho ay tuloy-tuloy lamang na programa na ginagawa sa pamamagitan ng regular na paglulunsad ng mga job fair sa lungsod.


Kadalasan, ani Lacuna, marami ang aplikanteng umuuwi nang me bago nang trabaho pagkagaling sa job fair dahil sila ay hired on the spot (HOTS).


Tags: Mayor Honey Lacuna, PESO chief Fernan Bermejo

You May Also Like