Latest News

Mahigit 100 BSKE candidates, iniugnay sa vote buying

By: Arsenio Tan

Ibinulgar ni Commission on Election (Comelec) chairman George Garcia na mahigit sa 100 kandidato ng 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 30, ang iniuugnay sa vote-buying.

“Actually, sa kasalukuyan, mga mahigit 100 ang kumpirmado na engaged at involved sa vote-buying,” ani Garcia.

Isinasailalim na umano ng Task Force sa beripikasyon ang mga reklamo ng vote- buying.


Tiniyak ni Garcia na sususpindihin ang proklamasyon ng mga kandidato may nakabinbing kaso ng premature campaigning, vote- buying at illegal campaigning sa sandaling manalo sa halalan.

“Para naman hindi sila ma-proklama agad. Kala kasi nila nagbibiro lang ang Comelec, nagpapatumpik-tumpik lang kami. So hindi po namin ipo-proklama ‘yung may mga pending case sa amin,” dagdag ni Garcia.


Ayon kay Garcia, ang mga kandidatong bumibili ng boto ay mahaharap rin sa diskuwalipikasyon, pagkabilanggo ng hanggang anim .na taon, gayundin ang mga nagbebenta ng boto ay paparusahan ng parehas na hatol.

“Subalit, kung sila ay magsasalita at ibubulgar nila ‘yung iregularidad na ‘yan, puwede po namin sila i-exclude sa punishment or sa mismong prosecution. Puwede namin sila gawing witness,” giit ni Garcia.


Samantala, sinabi ni Garcia na ang indibiduwal na mahuling namimigay ng mga envelope na may lamang cash ay malamang na hindi lehitimong watcher.

“Una, alam niyo po walang nagti-train doon. Wala pong watcher’s kit man lang doon. Pag tinanong niyo, hindi man lang naintindihan kung anong ginagawa doon sa mismong presinto. So hindi po yan watcher’s training,” giit ni Garcia

Sunabi pa ni Garcia na kilala na nila ang gumastos at kung sinu-sinong kandidato ang nasa. likod ng vote buying.

Tags: Commission on Election (COMELEC

You May Also Like

Most Read