Latest News

MAHIGIT 10 MILYONG HALAGA NG SHABU, INABANDONA SA CR NG ISANG RESTAURANT

By: Victor Baldemor Ruiz

Tinatayang nagkakahalaga ng P10 milyon ang street value ng shabu na pinaniniwalaang inabandona ng mga hinihinalang drug dealer sa loob ng isang CR ng restaurant sa Candelaria Quezon.

Sa ulat nasa mahigit sa kalahating kilo ng pinaghihinalaang shabu ang natagpuan ng isang service crew sa banyo ng isang fast food restaurant sa bayan ng Candelaria, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office na si PCol; Ledon Monte nasa 511.5 gramo ng pinaghihinalaang shabu na mayroong Dangerous Drug Board Value na Php 3,478,200.00 o street value na nagkakahalaga ng nasa Php 10,434,600.00.

Hinihinalang naalarma ang mga taong may dala ng droga sa pagpasok ng mga pulis na nagpapatrulya sa restaurant para kumain na posibleng naging dahilan kung bakit iniwan ang nasabing kontrabando.

Sa kasalukuyan, nirereview na ang mga CCTV footage mula sa nasabing restaurant upang matukoy ang posibleng kakikilanlan ng mga taong nag iwan ng nasabing droga.

“Sa pangyayaring ito, makikita natin na malaki ang maitutulong ng mga kababayan natin sa ating kampanya laban sa iligal na droga. Nagpapasalamat tayo sa mga staff at management ng Mang Inasal dahil sa tama at mabilis na nilang pagtugon matapos madiskubre na may kontrabando sa kanilang lugar,” ani Col Monte.

Tags:

You May Also Like

Most Read