By: Jantzen Alvin
NASA mahigit 10 milyong opisyal na balota na gagamitin para sa 2025 National and Local Elections (NLE) ang natapos nang ma-imprenta.
Iniulat ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia na hanggang Pebrero 3 ay umaabot na sa 10,051,712 ang official ballots na naiimprenta na. Ito ay 13.94% ng 72,107,420 na ballot requirements para sa nalalapit na midterm elections.
Kinakailangan pa ng Comelec na mag-imprenta ng 62,055,708 balota.
Kumpiyansa naman si Garcia na matatapos nila sa takdang panahon ang ballot printing hanggang sa deadline nito sa Abril 14.














