ITINATAYANG nasa mahigit isang kilo ng shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency mula sa dalawang itinuturing na bigtime drug personality sa isinagawang anti-narcotics operation sa Caloocan City .
Sa ulat na isinumite kay PDEA Director General Moro Virgilio Lazo matapos ang ikinasang surveillance at case build-up sa mga target na drug personlites ay naglunsad ng buy-bust operation ang pinagsanib na pwersa ng PDEA RO-NCR RSET, PDEA RO-NCR Northern District PDEG-NCR at NCRPO RDEU, katuwang ang Camarin Police Substation 10.
Inilatag ang drug -bust kahapon sa 6127 Zapote Road cor.Ilang-ilang Street, Brgy. 177, Lungsod ng Caloocan at dito nadakip sina Macmod, Raquel Ducan, 33-anyos at residente ng La Forteza St., Brgy. 175, Camarin, Caloocan City; at Ali, Abdulbasit Abdullatip, 34, residente ng Upper Bicutan, JP Rizal,Taguig city
Nasamsam sa mga suspek bilang ebidensya ang sampung pirasong transparent na plastic bag naglalaman ng puting kristal na hinihinalang methamphetamine hydrochloride o mas kilala bilang ‘shabu’ na tumitimbang ng 1000 gramo at limang heat-sealed transparent plastic sachets na may lamang 50 gramo.
Bukod sa droga na itinatayang may standard street value na umaabot sa P7,140,000 ay nakuhanan din ang mga suspek ng sari-saring identification cards, isang analog cellphone at puting Toyota Vios na sinasabing ginagamit sa illegal transaction .
Kapwa mahaharap sa kasong paglabag ng section Sec. 5 at 11, ng Art. II ng R. A 9165 ang dalawang suspek na kasalukuyang nasa custodial facility ng PDEA.














