Latest News

MAGPINSAN, TIMBOG SA ILIGAL NA DROGA

By: Baby Cuevas

Arestado ng Manila Police District -Police Station 6 ang magpinsan dahil sa pagbebenta ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation nitong Sabado ng gabi sa Sta. Ana, Maynila.

Nasa kustodiya ng MPD-PS6,ang mga suspek na sina Alexander Patrick Serrano y Reyes,41, ng No. 1700 Saturno S., , Brgy. 812 Zone 88 Sta. Ana, Maynila at Jennalyn Reyes y Cargo, 45, ng 1715 Interior 18, Pedro Gil St., Paco, Maynila.


Ikinasa ng mga awtoridad ang buy-bust operation,alas 10:30 ng gabi at nakumpiska sa mga suspek ang anim na sachet ng shabu na may market value na P69,360 at P500 marked money.

Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa laban sa mga suspek sa Manila Prosecutors Office.


Tags: Manila Police District-Police Station 6

You May Also Like