Magpinsan, huli sa buy-bust

Nasakote ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 9 ang magpinsan sa isinagawang buy-bust operation,kahapon ng madaling araw sa panulukan ng Madre Ignacia St. at Quirino Ave., Malate Maynila.

Nasa kustodiya ng MPD -PS 9 , ang mga suspek na sina Badz Lumenda Y Mama,35,at taga Republic Ave, Quezon City;.at Rodel Mama Y Linog ,22 at taga Talayan, S Cotabato.


Alas- 2:40 ng madaling araw nang ilatag ng MPD-PS 9 ang buy bust operation sa nabanggit na lugar kung saan isang pulis ang umaktong poseur-buyer at nang magkaabutan ay saka dinamba ang magpinsan.

Nakumpiska sa mga suspek ang limang sachet ng shabu na tumitimbang ng 25 gramo, at P1,000 marked money.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Manila Prosecutor’s Office. (Jantzen Tan)


Tags: Manila Police District-Police Station 9

You May Also Like