Magpa-booster at facemask kung gusto ng merry na Christmas — eksperto

Hinikayat ni Infectious disease expert Dr. Edsel Salvana ang publiko na magpa-booster at manatiling magsuot ng facemask kung gustong maging “merry” ang pagdiriwang ng Kapaskuhan ngayon taon.

Ayon kay Salvana ,ang kasalukuyan kaso ng COVID19 ay nagpa-plateau na matapos ang bahagyang pagtaas ng kaso noong mga nakalipas na linggo kasunod nang pagluluwag sa pagsusuot ng facemask sa mga outdoors at muling pagbabalik ng face to face class.


Sinabi rin ni Saldana na mahalaga ang proteksiyon ibinibigay ng booster shots dahil 4 na indibiduwal lamang sa 16,017 bagong COVID-19 infections na naitala noong nakalipas na linggo ang naitalang bagong severe o kritikal na kaso.

“If you want to ensure a good Christmas, kung gusto nating lalong tumaas ang tyansa na mangyari ‘yun, nakikiusap po kami sa ating mga kababayan, magpa-boost po kayo para mas maganda ‘yung ating insurance, para hindi tayo makakita ng case spikes pa at kung tumaas man ‘yung cases, manatiling mababa ‘yung number of severe cases,”ayon kay Saldana sa public briefing.

Nalaman na may 19.7 milyon indibiduwal ang nakatanggap ng booster dose sa may 73.1 milyon na fully vaccinated.


“Masyado pang maaga para masabi na okay lang na hindi nagma-mask sa outdoors dahil hindi pa nga tayo lampas doon sa panahon na makikita natin ‘yung full effect ng pagtatanggal ng masks sa outdoors doon sa mga hindi naman at risk population,” dagdag ni Saldana.

Magugunita na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,ang executive order na nag aatas na maging optional ang pagsusuot ng facemask outdoor. (Jaymel Manuel)


Tags: Infectious disease expert Dr. Edsel Salvana

You May Also Like