Latest News

Magnitude 7.8 lindol posibleng maulit sa Pinas — Phivolcs

SA kabila ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Turkey at Syria, sinabi ng pinuno ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) noong Martes na posibleng mangyari din ang ganito kalakas na pagyanig sa bansa.

“There’s always this possibility. In fact, it already happened on July 16, 1990. To recall, the 1990 Luzon earthquake is magnitude 7.8,” ayon kay Phivolcs Director Teresito Bacolcol.


Dagdag pa ni Bacolcol, maraming active faults ang bansa na may kakayahang magdulot ng magnitude 7.8 na lindol.

Aniya, batay sa instrumental records ay 1990 Luzon earthquake ang pinakamalakas na tumama sa bansa.

Ayon sa website ng Phivolcs, ang 1990 Luzon earthquake ay nagdulot ng 125 km-long ground rupture na umaabot mula Dingalan, Aurora hanggang Kayapa, Nueva Vizcaya. Ang lindol ay sanhi ng strike-slip na paggalaw sa kahabaan ng hilagang-kanlurang bahagi ng Philippine Fault Zone at ang splay nito, ang Digdig Fault.


“We have several active segments in the Philippines. It’s more than a hundred segments, but the longest is the Philippine Fault — 1,200 kilometers from Davao to Luzon,” dagdag pa Bacolcol.

Noong nakaraang linggo lang lumipat ang Philippine Fault na nagdulot ng magnitude 6 na lindol sa Davao de Oro.


Aniya, mas handa na ang mga tao ngayon kumpara sa 20 taon na ang nakalipas at dahil regular na nakikilahok ang mga tao sa quarterly earthquake drills.

“People now are more aware than they were 20 years ago, and especially with the advent of social media. They see the effects of strong earthquakes like what happened in Turkey,” ani Bacolcol.


Iginiit din niyang ang paglahok sa earthquake drills ay nakakatulong sa pagbuo ng kultura ng pagiging handa, ang pagbibigay ng kamalayan sa mga tao kung ano ang gagawin sa mga aktwal na kaganapan, ipinunto niya.

Pinaalalahanan ni Bacolcol ang publiko na gawin ang “duck, cover and hold “ sakaling magkaroon ng lindol, at lumabas sa maayos na paraan kapag tumigil na ang pagyanig ng lupa.



Tags: Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs)

You May Also Like