MAGNITUDE 7.4 EARTHQUAKE, YUMANIG SA SURIGAO

By: Victor Baldemor Ruiz

AGAD na itinaaas ng National Disaster Risk Reduction Management Council sa ‘blue alert’ ang kanilang puwersa kasunod ng magnitude 7.4 earthquake na tumama sa Hinatuan, Surigao del Sur nitong Sabado ng gabi.

Sinasabing lumikha rin ng Tsunami ang nasabing lindol na bagama’t maliit lang ay umabot hanggang sa Japan.


“All NDRRMC member-agencies and RDRRMCs are required to continue monitoring their respective AORs and send updates to the NDRRMOC through the NDRRMC Monitoring Dashboard,” ayon sa inilabas na memorandum.

Ayon pa sa inilabas na memorandum kahapon Linggo ng umaga, inatasan ni Assistant Secretary Hernando Caraig, Jr., Civil Defense Deputy Administrator for Operations, ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, at Philippine National Police na magtalaga ng mga duty officers sa NDRRMC Operations Center (NDRRMC) para mapabilis ang koordinasyon at makatulong sa mga ginagawang paghahanda.

Naka-red alert naman ang Office of Civil Defense (OCD) sa Davao Region at Caraga, kung saan naroroon ang Surigao del Sur at patuloy na nagsasagawa ng damage assessment.


Kahapon ng umaga ay inalis na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang tsunami warning kasunod ng malakas na paglindol sa Surigao del Sur.

Tumama ang lindol bandang 11:37 ng gabi at natunton ang origin nito, may 32.8 kilometers ang lalim ayon sa U.S. Geological Survey.


Sinasabing lumikha ng 8-cm tsunami sa Davao, habang wala namang inulat na nasaktan o nasira ang Japan’s Fire and Disaster Management Agency kasunod ng naitalang 10- cm taaas ng tsunami sa coastal areas ng Chiba, Shizuoka at Tokushima prefectures.

Nabatid na may mga small tsunami ang naobserbahan ng Japan Weather bureau sa baybayin ng Japan Pacific Coast kasunod ng 7.7-magnitude earthquake na nakatalang 7.4 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, ayon sa weather agency ng Japan.


Sinasabing umaabot sa 40 centimeters ang taas ng tsunami sa Hachijo Island malapit sa Tokyo at 20 cm naman sa ibang isla, gaya sa coastal areas ng Wakayama at Kochi prefectures sa Western Japan.

Nabati na agad nagsagawa ng pre-emptive evacuation ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa Davao Oriental sa mga baybaying barangay ng lalawigan.



Tags: National Disaster Risk reduction Management Council

You May Also Like