Itinatayang nasa kalahating milyong piso halaga ng droga ang nakuha sa isang maglive-in partner matapos ang isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency Cordillera Regional Special Enforcement Team (RSET) katuwang ang PDEA-CAR Baguio/Benguet Provincial Office.
Bukod sa mag live-in ay inaresto din ng mga awtoridad ang dalawa nilang kasamahan na sangkot din sa umano sa kalakaran ng droga sa Irisville, Purok 20, Irisan, Baguio City.
Batay sa report ni PDEA-CAR Regional Director Julius M Paderes kay PDEA Director General Moro Vergilio Lazo, kinilala ang mga drug personality na sina Moses Lagmay at ang live-in partner nito na si Marjorie Bon-og Uyan, habang dalawang kasamahan naman ay sina sina Dindo Mendoza Mislang at Willy Ordonio Estepa.
Ayon kay Agent Roselle Sarmiento, tagapagsalita ng PDEA-Cordillera Autonomous Region, aabot sa halagang P488,800 ang halaga ng shabu na nakumpiska sa mga suspek kasunod ng isinagawang drug buy-bust operation sa nasabing lungsod
Bukod sa iligal na droga, nakumpiska rin sa mga suspek ang mga drug paraphernalia at isang Nissan Sedan na gamit ng mga suspek sa kanilang illegal transactions.
Ayon kay Agent Sarmiento, pansamantalang inilagay sa kustodiya ng PDEA-CAR ang mga suspek na pawing nahaharap sa kasong ng paglabag sa Republic Act 9165 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.














