Latest News

MAGKUYANG HOLDAPER, ARESTADO SA MPD

By: Baby Cuevas

ARESTADO ang magkuya na diumano’y holdaper matapos tangayin ang cellphone ng isang babae sa Espana, Maynila, madaling araw ng Miyerkules.

Isasailalim sa inquest proceedings sa Manila Prosecutors’ Office dahil sa paglabag sa Article 294 ng Revised Penal Code (Robbery with Intimidation of Person) ang mga suspek na kinilalang sina Jester Abaigar, 20 at Jimbert Abaigar , 24, kapwa residente ng Compound III, Roces St., West Fairview, Quezon City


Sa ulat ng Manila Police District-Station 4, dakong alas-2 ng madaling araw ng Agosto 9, 2023 nang maganap ang pagtangay ng cellphone sa España Blvd. sa may panulukan ng Dos Castillas Street sa Sampaloc.

Ayon sa reklamo ng biktimang si Tina Javier , 35, residente ng Sampaloc, habang naglalakad siya sa nasabing lugar ay napansin niya na panay ang sunod sa kanya ng dalawa hanggang sa tutukan siya ng patalim ng nakababatang Abaigar at inagaw ang hawak niyang cellphone ng kuya nito at saka sila mabilis na tumakas sa direksyon ng Loyola Street.

Nagkataong nagsasagawa naman ng Anti-Criminality Operation sa lugar ang mga tauhan ng MPD-Station 4 na nahingan ng tulong ng biktima kaya nadakip din agad ang mga suspek.


Tags: Manila Police District-Station 4

You May Also Like

Most Read