Magkapatid na ‘akyat- bahay’, arestado sa Sampaloc

By: Jantzen Tan

Inaresto ng mga tauhan ng España-Blumentritt Police Community Precinct ang mag-kuya na nanloob sa bahay ng Isang bank employee kamakalawa ng gabi sa isinagawang follow-up operation sa Sampaloc,Maynila.

Nakadetine sa nabanggit na PCP Ang mga suspek na sina Jayson Kayle Daoa,25, miyembro ng Commando gang at kapatid nitong si Joey,47, miyembro ng Bahala na Gang at kapwa residente ng 2460 Oro. B St., San Andres Bukid, Maynila.

Ayon sa reklamo ng biktimang si Angela Sebastian ng 1020 Maceda St., Sampaloc, Maynila, nadiskubre niya ang pagkawala ng kanyang mga gadgets at kagamitan alas- 3 ng madaling araw.


Nabawi naman sa isinagawang operasyon ng pulisya ang laptop, Apple Airpods, isang pares ng black rubber shoes at pitaka na may mga IDs ng biktima.

Hindi naman narekober ang nawawalang Iphone X, Casio wristwatch at coin purse na naglalaman ng P1, 000.


Napag-alaman na puwersahan umanong pinasok ng mga suspek ang bahay ng biktima habang mahimbing itong natutulog at nagawang makuha ang mahahalagang gamit ng biktima.

Nahaharap ngayon ang magkapatid na suspek sa kasong paglabag sa Art. 293 (robbery with force upon things) ng Revised Penal Code.


Tags: España-Blumentritt Police Community Precinct

You May Also Like

Most Read