KAPWA sugatan ang magka-angkas na isang babae at lalaki sa motorsiklo matapos na sumemplang at bumangga sa center island sa westbound lane ng Legarda St.Sampaloc,Maynila.
Kinilala ni PEMS Ormando Ramos,ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ang mga biktima na sina Fernando Jose Abella, Call Center Agent at Jennilyn Catalan y Delada, 25 , kapwa taga 825 Leyte Liit, Mindanao Street, Sampaloc, Maynila.
Naganap umano ang insidente alas 12:10 ng madaling araw sa nabanggit na lugar habang binabagtas ang westward lane ng Ramon Magsaysay Flyover sa Sampaloc sakay ng Yamaha Mio-i125, Magenta White, at may plate number 910 TOI.
Ayon sa nakakitang si Frederick Desoyo y Delgado, 26 ,kuliglig driver ,magka angkas umano ang mga biktima na binanaybay ang lugar ,pagsapit ng Legarda Street nawalqn ng kontrol ang kaliwang bahagi at aksidenteng tumama sa center island.
Sa lakas ng impact,sugatan ang dalawa si Sandoval ay inasistehan ng Philippine Red Cross habang si Catalan ay inasistehan ng , MMDA Nagtahan Base Ambulance sa pangunguna ni Lilibeth Coronada at kapwa sila dinala sa Jose R Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) para mabigyan ng lunas. (Philip Reyes)