Latest News

MAGIC VOYZ, MAY KAKAIBANG CHARISMA

By: Beth Gelena

IBA pala talaga ang charisma ng new talent male group na Magic Voyz, ang bagong talent ni Lito de Guzman.

Napanood ng inyong lingkod ang mini-concert ng Magic Voyz sa Viva Cafe last Sunday at hindi namin akalain na magiging full-packed ang venue.

Amazing ang walong grupo na kinabibilangan nina Jhon Mark Marcia, Juan Paulo Calma, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones, Johan Shane, and Asher Diaz.


Grabe ang impact ng mga ito sa audience na sinasabayan nila ng pagsasayaw at kanta ang grupo.

Halos hindi marinig ang kanilang awitin dahil sa hiyawan, palakpakan ng audience.

Very danceable naman kasi ang kanilang ipinaririnig na mga kanta.

Ang iba ay original song na ang kasamahan nilang si Johan ang nag-compose.


Bago pala ipinakilala ni LDG ang kanyang mga talent ay hinubog muna niya ang mga ito nang mabuti kaya naman naging epektibo ang grupo sa kanilang audience.

Napaka-energetic nilang lahat at may blending ang kanilang mga boses.

Kung tutuusin, sila ang opposite ng SB19, ang tinaguriang Pinoy Pop male singers.

Knows nyo ba na sinabayan nila ang concert ng mga ito na ginanap sa Araneta Coliseum on the same night mismo?


Hindi sila nagpakabog sa mga ito.

Although maliit lang ang capacity ng Viva Cafe, punumpuno ito at ang ibang manonood ay nakatayo na lang.

Halos hindi ka makaraan papuntang CR dahil sobrang siksikan ang mga manonood.

Kung ano ang ginagawa ng SB19 at kaya rin nilang gawin, lalo na sa kanilang finale number.

Maganda rin ang “Bintana” song na kanilang pino-promote na kanta na si Johan ang nag-compose.

Even ang music video nito ay hindi aakalaing baguhan ang may gawa.

Catchable ang kanta na magugustuhan ng mga taong naiinlab sa unang pagkikita pa lang nila sa isang babae na nakadungaw sa bintana.

Very proud ang MV sa kanilang performance that night.

Hindi raw nila inisip na ganun kainit ang pagtanggap sa kanila ng audience.

Pangako nila na mas pagiigihan pa nila ang gagawin sa darating pa nilang concert.

Anila: “Iba’t ibang pasabog po ang aming gagawin sa mga susunod naming show para naman hindi po nila kami kasawaan.”

Alam nyo ba ang finale na ginawa ng MV ay nang mag-alis sila ng saplot at tanging brief lang ang naiwan.

Kaya naman ang mga beki sa audience ay hindi maibsan ang katuwaan at hiyawan nang makita nila ang mga pinagmamalaking abs ng male group singers.

Para sa amin, sadya namang may hinaharap ang grupo — sa singing career, huh…. Hahahaha!!

Congratulations, Magic Voyz for a job well done.

Hindi nagkamali ang talent manager ninyong si LDG na sugalan ang inyong singing career.

Ipagpatuloy lang ninyo ‘yan at tiyak na mararating ninyo ang tagumpay na inyong hinahangad.

Ang importante, huwag lang lalaki ang ulo sa grupo para hindi masira ang inyong samahan.1

Tags:

You May Also Like

Most Read