Kumpara noong 2021, magiging mas maganda ang selebrasyon ng Kapaskuhan ng bansa ngayon 2022.
Ito umano ang nakikita ni OCTA Research Group fellow Dr.Butch Ong, kasunod ng mga pagbabago sa sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Ong, ang kasalukuyang COVID-19 vaccination rate sa bansa ay mataas at mas sumusunod na ang publiko sa health protocols, bukod pa sa pangkalahatan ay mild at asymptomatic ang mga kaao ng COVID-19.
“Maaaring mas maganda ang ating kapaskuhan ngayong taong ito,” ayon kay Ong sa Laging Handa press briefing.
Gayunman,pinaalalahanan ni Ong ang publiko na maging maingat at striktong sumunod sa health protocols.
Una nang inirekomenda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang boluntaryong pagsusuot ng facemasks sa labas ng bahay.
Ito umano ay may verbal nang pag apruba ni Pangulong Ferdinad Marcos, Jr.bagamat sinabi ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na hindi pa ito polisiya. (Jaymel Manuel)














