Latest News

Mag-utol, arestado sa tangkang pagpatay

SABAY na inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District-Polive Station 5 ang magkapatid na kapwa may warrant of arrest dahil sa kasong tangkang pagpatay,kamakalawa ng gabi sa Ermita,Maynila.

Kinilala ang mga naarestong suspek na n sina Cezar Nayangga Y Perez 55 , Construction worker at Jomar, 27, Tricycle driver at kapwa residente ng 1038 Alhambra St. Ermita.

Ang dalawa ay may tig-P30,000 piyansa para sa kanilang pansamantalang kalayaan na inirekomenda ni Judge Ihmie Mitchico Gacad – Presto ng Manila RTC Br.5 .

Ayon kay P/ Lt.Col.Dionelle Brannon , Commander ng MPD- PS 5 , alas -6:30 ng gabi , nang maaresto ang magkapatid sa kahabaan ng Alhambra St. sa Ermita.

Natunton ang dalawa matapos inguso ng isang impormante.

Ayon sa record, ang magkapatid ay kinasuhan ng attempted homicide noong Setyembre 2019 at nasa talaan ng most wanted.

Nakadetine ang magkapatid sa MPD -warrant section.

Tags:

You May Also Like

Most Read