PATAY ang isang mag-live in partner, habang malubha namang nasugatan ang kanilang anak sa naganap na pamamaril sa Gumaca, Quezon.
Kinilala ang mga biktima na sina alyas Juan, 57 at ang anak nito na si alyas Maria, 28, na kasalukuyang nasa malubhang kalagayan. Sila ay parehong residente ng Brgy. Butaguin ng nabanggit na bayan.
Kinonsiderang ‘caseclosed’ naman ang nasabing shooting incident matapos na mag-suicide ang pangunahing suspek na kinilalang si alyas Juana, 37, na live-in partner ni alyas Juan.
Ayon sa Quezon Police Provincial Office, nakatanggap ng tawag ang Gumaca Municipal Police Station na nagkaroon ng shooting incident sa bahay ni Juan.
Lumilitaw sa pagsisiyasat na nagkaroon aniya ng mainitang pagtatalo ang mag live-in partner na nauwi sa paglalabas ni Juana ng baril at saka pinaputukan ang kanyang kinakasama sa ulo na naging sanhi ng daglian nitong kamatayan.
Pagkatapos nito ay pumunta naman ang suspek sa kwarto ni alyas Maria at pinagbabaril ito, hanggang sa malubhang nasugatan.
Matapos niyan ay binaril ni alyas Juana ang kanyang sarili na kaagad din nitong ikinasawi.
Nagawa namang maisugod sa pagamutan si Maria ng kanyang mga kapamilya para malapatan ng lunas.