Latest News

MAG-INA, PINATAY SA KANILANG RESTO

By: Victor Baldemor Ruiz

NAGKASA ng ‘manhunt operation’ ang North Cotabato-PNP laban sa suspek na pumaslang sa babaeng may-ari ng isang restaurant at anak nitong lalaki, nang pagbabarilin sila sa loob ng kanilang establisimyento sa Poblacion, sa bayan ng Pikit sa nasabing lalawigan.

Sa ulat Pikit Police Station ay kinilala ang mag-inang sina Betty Cadulong-Lu at Jonard Lu, 47, mga residente ng Brgy. Poblacion, sa bayan ng Pikit.


Napag-alaman na ang babaeng biktima ay kapatid ng doktor na si Robert Cadulong, Sr. na pinagbabaril at napatay rin ng hindi nakikilalang suspek dalawang taon na ang nakararaan habang nagjo-jogging

Lumitaw sa pagsisiyasat na nasa nasa loob ng restaurant ang mag-ina at nag-aasikaso sa kanilang mga paninda nang pumasok ang suspek at pinagbabaril ang dalawa.

Agad na ipinag-utos ng Pikit-PNP ang paglulunsad ng ‘manhunt operation’ laban sa suspek na nagawang makalayo agad sa crime scene matapos ang pamamaril.


Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen at kung sino ang mga suspek.


Tags: North Cotabato-PNP

You May Also Like

Most Read