Latest News

MAG-INA PATAY, 2 PANG KAANAK SUGATAN SA SINALPOK NA TINDAHAN

DEAD-on-arrival sa pagamutan ang isang nanay at ang kanyang sanggol na anak, habang daalwa pang kaanak nila ang malubhang nasugatan nang biglang salpukin ng rumaragasang Sport Utility Vehicle (SUV) ang kanilang tindahan nitong nakalipas na linggo sa Tabuk City sa lalawigan ng Kalinga.

Sa ulat ng Tabuk City PNP, sa lakas ng impact inabot ng dagliang kamatayan ang 39-anyos na babae at ang kalung- kalong nitong anim6 na buwang sanggol bagamat nagawa pang maitakbo sa ospital .


Samantala ay sugatan naman ang dalawa nilang kaanak na may edad 15 at 28 at kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa ospital, ayon kay Police Major Garry Gayamos, Public Information Officer ng Kalinga Police Provincial Office.

Lumabas sa pagsisiyasat na nakaupo ang ina karga ang kanyang anak, kasama ang dalawang kamag-anak sa harap ng tindahan sa Barangay Bulo nang mabangga sila ng isang SUV.

Sa initial report na ibinahagi ni Gayamos, sinasabing mag-overtake sana ang SUV sa kaniyang sinusundang sasakyan nang bigla umano itong lumiko.


Hinala ng mga imbestigador na nabigla umano ang driver ng SUV. At sa halip na preno ay accelerator pedal ang naapakan nito kaya lalong bumilis at dumiretso sa tindahan.

“Hindi niya nakita na ‘yung i-o-overtake niya ay biglang liliko, sa direksyon na papasok sa isang sitio ng Bulo. Nabigla ito,” ani Gayamos.


Sinampahan ng reklamong reckless imprudence resulting to homicide, multiple physical injuries, at damage to property ang driver ng SUV. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Tabuk City PNP

You May Also Like