Latest News

MAG-INA, NABAGSAKAN NG PADER, PATAY

By: Victor Baldemor Ruiz

PATAY na ang mag-ina nang ma-recover mula sa tambak ng basura at lupa matapos silang mabagsakan ng gumuhong pader sa kasagsagan ng pananalasa ng Southwest Monsoon na pinalakas ng Bagyong Carina sa Angeles Pampanga.

Nakuha ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ang mga labi ng ina at anak nito mula sa tambak ng mga debris nang maguhuan sila ng pader ng kanilang bahay sa kasagsagan ng pag-ulan.


Mapalad namang nakaligtas ang padre de pamilya subalit kasalukuyan itong nilalapatan ng lunas sa pagamutan sanhi ng mga tinamong sugat at bali sa katawan

Base sa paunang report , hinihinalang lumambot ang lupa na kinatitirikan ng bahay ng mag-ina na malapit sa Abacan River sa Barangay 1, Pampang.

Ayon sa Angeles CDRRMO, ang walang humpay na ulan ang dahilan ng pagguho ng lupa.


Tags: Angeles CDRRMO

You May Also Like