MAG-INA, ARESTADO SA INVESTMENT SCAM, ANAK, SA PANANAKIT NG ARRESTING NBI AGENTS

By: Jerry S. Tan

ISANG mag-ina ang dinakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Special Task Force (NBI-STF), kung saan ang ina ay inireklamong sangkot sa ‘investment scam’ habang ang anak naman ay inaresto matapos na manakit ng mga awtoridad kamakalawa sa Dasmariñas City, Cavite.

Nasa kustodiya na ng NBI ang mag-inang sina Arlene at Angel Clarisse Heart Labajo Angeles.


Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, si Arlene ay inireklamo matapos na.makapambiktima ng P200,000 sa isang complainant na nahikayat niyang mag-invest kapalit ang 10 percent na tubo kada buwan sa kanyang kapital.

Nagpanggap si Arlene na may-ari ng Camacho Trading na naka- advertise sa Facebook.

Ayon sa investment contact, ang pera ay ii-invest sa pambili ng mga imported items na ibebenta sa mga potensiyal na buyer.


Gayunman, nadiskubre na hindi nakarehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) ang Camacho Trading,

May nakarehistro na umanong kumpanya na may kaparehas na pangalang Camacho packaging supplies OPC na pag-aari ng isang Arlene Tolentino Labajo


Nakalagay umano sa Articles of Incorporation na hindi ito maaring mag-solicit, tumanggap o kumuha ng investment sa publiko o kaya ay mag-isyu ng investment contracts.

Ikinasa ng NBI ang entrapment operation laban kay Arlene at nang kunin nito ang marked money ay inaresto ito ng NBI ngunit sumugod ang anak nitong si Angel kung saan pinagsasampal at sinuntok ang mga ahente na umaaresto sa kanyang ina.


Si Arlene ay kinasuhan ng Estafa sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code, in relation to Section 6 of RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012), at Sections 8 & 26 of the Securities Regulation Code.

Si Angel naman ay kinasuhan ng Resistance and Disobedience to a Person in Authority sa ilalim ng Article 151 ng Revised Penal Code, sa Dasmariñas, Cavite Office of the City Prosecutor.



Tags: National Bureau of Investigation-Special Task Force (NBI-STF)

You May Also Like

Latest News