Latest News

MAG-ASAWA, NILIKIDA SA LOOB NG BUS; KILLER, NAGPANGGAP NA SUNDALO

By: Victor Baldemor Ruiz

TARGET ngayon ng malawakang manhunt operation ng pulis at military ang dalawang lalaki na bumaril at nakapatay sa mag live-in partner sa loob ng sinasakyang pampasaherong bus sa Carranglan, Nueva Ecija .

Kapwa nasawi ang mag asawa matapos barilin ng dalawang di pa kilalang salarin kamakalawa.

Ayon kay Police Maj. Rey Ian Agliam, Caranglan police chief, sumakay ang dalawang biktima na maglive-in partners sa Cauayan City, Isabela habang ang mga gunman ay sumakay sa bus sa bandang Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sinasabing kitang-kita sa sa dashcam video ng bus kung paano binaril nang malapitan ng mga suspek ang mga natutulog na biktima.

“Maglive-in partner ito… Sa ngayon, hindi ko pa maidi-divulge ang mga pangalan nila kasi wala akong pahintulot sa mga kamag-anak,” ani Agliam.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na mga negosyante ang dalawang biktima na papunta sana sa Lapaz, Tarlac.

“Yung ano po is galing recently sa Canada, businesswoman (siya) and then ano po businessman yung lalaki. Dalawang negosyante,” ani Agliam.

Kinukumpirma pa ng mga awtoridad kung mga gun for hire ang mga suspek at ano ang motibo nila para paslangin ang mag-asawa.

Sinasabing may sasakyan ang mga biktima subalit pinili nilang mag-commute na isa sa mga anggulong tinututukan ng mga imbestigador .

Sa salaysay ng konduktor ng bus, nasa 38 ang kanilang mga pasahero at galing sila ng Tuguegarao papunta ng Sampaloc, Maynila.

Binabaybay nila ang bahagi ng Barangay Minalin sa Carranglan nang mamaril ang mga suspek na nakasuot pa ng camouflage, bago sila nagmadaling bumaba sa liblib na bahagi ng bayan.

Ayon sa police chief, walang ibang sinaktan ang mga salarin sa loob ng bus.

“Posibleng gun-for-hire ‘yung dalawa,” aniya.

Tags:

You May Also Like

Most Read