Latest News

MAG-ASAWA BINARIL, PATAY; ANAK, NAKALIGTAS

By: Victor Baldemor Ruiz

TARGET ngayon ng manhunt operation ng Zamboanga City-PNP ang mga salarin sa pagpatay sa mag-asawa sa Brgy. Boalan, Zamboanga City.

Sa ulat ng Zamboanga City Police Office, kinilala ang mga nasawi na sina sina Fathie Bara Loong at asawa nitong si Bai Rivalia.

Mapalad namang hindi nahagip ng bala ang apat na taong gulang na anak nilang babae nang isagawa ng gunman ang pamamaril.


Sa inisyal na imbestigasyon, pataksil na dinikitan ng gunman ang mga biktima at binaril habang nagsasagawa ng inspection sa kanilang ipinatatayong tindahan sa nabanggit ng lugar.

Unang binaril ang lalaki at agad na isinunod ng salarin ang asawa nito na nakaupo sa loob ng kanilang van katabi ang anak na babae.

Kaugnay nito, agad na inutos ni Mayor John Dalipe ang paghihigpit ng seguridad sa lugar kasunod na rin ng umiiral na gun ban dahil sa nalalapit na midterm elections.


Tags: Zamboanga City-PNP

You May Also Like

Most Read