Arestado ng National Bureau of Investigation – Western Visayas Regional Office (NBI-WEVRO) ang isang mag-asawa dahil sa pagsasanla ng pekeng titulo ng lupa kamakailan sa Jaro,Iloilo City.
Sinampahan ng kasong estafa sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code thru falsification of public documents sa ilalim ng Article 171 at 172 ng RPC ang mag- asawang sina Brixzel Hope at Rio Evangelista.
Ang pagsasampa ng kaso laban sa mag asawa ay nag-ugat sa pagsasanla ng mga ito ng isang titulo ng lupa na matatagpuan sa Barangay San Fernando, Buenavista, Guimaras.
Inialok umano ng mga suspek na maisanla ang lupa sa biktima sa halagang P520,000.
Sa paniniwala ng biktima sa kanila, pumasok ito sa isang mortgage contract at binayaran ng inisyal na P500,000 ang suspek.
Gayunman,bago bayaran ang kabuuang halaga ay bineripika ng biktima sa register of deeds pero natuklasan niya na peke ang property.
Lingid sa kaalaman ng suspek ,humingi ng tulong sa NBI ang biktima at nakipagkita ito sa Jaro,Iloilo para sa kabuuang kabayaran.
Noong Hulyo 28,2023,ikinasa ng NBI,ang isang entrapemnt operation sa mag-asawa at nang iabot ang pera ay dito na sila inaresto.














