Latest News

MAG-APPLY MULI SA VAXCERTPH

KAILANGAN muling mag-aplay ng mga holder ng VaxCertPH ng bagong certificate dahil sa hindi na mai-scan ang mga dating QR codes para maberepika ang istatus ng kanilang pagpapabakuna kontra COVID-19.

Sa abiso ng Department of Health (DOH), ang mga kailangang mag-aplay ng bagong certificate ay ang mga nakakuha ng kanilang VaxCertPH bago ang Pebrero 7. Bukod sa bagong QR code, ia-update rin ang ibang features nito.

Sinabi naman ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Acting Secretary Emmanuel Rey Caintic na idinagdag na kasi nila ang ‘booster shot vaccination status’ at dagdag na ‘security features’ sa bagong online certificate.


Bukod dito, ang update ay preparasyon rin sa pagtanggap sa VaxCertPH ng ibang bansa na kanilang kinakausap ngayon kabilang na ang European Union.

“Magkakaroon narin ng bilateral acceptance between our vaccine certificate at saka yung mga European countries,” paliwanag ni Caintic.

Maaaring makakuha ng bagong sertipiko sa pag-access sa https://vaxcert.doh.gov.ph/.

Nilinaw naman ni Caintic na magagamit pa naman ang mga ‘vaccination cards’ para makagalaw sa bansa at makapasok sa mga establisimiyento. (Philip Reyes)


Tags:

You May Also Like

Most Read