MAG-AMANG PUMATAY SA LOOB NG COMPUTER SHOP, SUMUKO SA MPD, KINASUHAN NA

By: Itchie G. Cabayan

Ipinagharap ng kasong murder ang mag-amang sumuko sa Manila Police District (MPD) kaugnay ng pagpatay sa pamamagitan ng pagbaril at pananaksak sa isang 46-anyos na lalaki sa loob ng isang computer shop sa Tondo, Maynila nitong Abril 13.


Ito ay kasunod ng pagsukol sa MPD-Raxabago Police Station 1 (PS-1) at pag-amin sa krimen na ginawa ng mag-amang sina Jeffrey at Jefferson Saludar, 49 at 25.

Bago niyan, noong Abril 12, napag-alaman na nakaaway ni Jefferson ang biktimang si Jhon Jhon Bacolod, 46, kung saan tinangka umanong saksakin ni Bacolod ang suspek.

Kinabukasan, Abril 13, kinompronta ng mag-amang Saludar si Bacolod at sa gitna ng palitan ng maanghang sa salita ay tumayo si Bacolod.


Nang akma itong bubunot ng patalim ay inunahan na ito ng mag-ama, kung saan binaril ni Jeffrey ang biktima, na inundayan naman ng sunod-sunod na saksak ni Jefferson.

Ayon sa pulisya, hindi bababa sa 20 tama ng saksak ang tinamo ng biktima, bukod pa sa mga tama ng baril sa mukha at katawan.




Matapos niyan ay sumuko ang mag-ama sa pulisya, kung saan inamin nila ang krimen.


Tags: Manila Police District (MPD)

You May Also Like