Latest News

MAG- AMA, PATAY SA PAMAMARIL. 1 PA SUGATAN SA LAND DISPUTE

By: Victor Baldemor Ruiz

DEAD- on- the -spot ang isang buntis na ginang at ang kanyang ama, matapos silang pagbabarilin ng kanilang kapitbahay dahil sa iringan sa lupa sa Purok 12, Barangay Cadulawan bayan ng Minglanilla sa Cebu.

Ayon kay P/Capt. Kalvin Golitod, Officer-in-Charge ng Minglanilla Police Station, sugatan din sa pamamaril ang kapatid na babae ng buntis na biktima.

Kinilala ang mga nasawi na sina Alfredo Herbias, 67 taong gulang at anak nitong si Marjorie Herbias -Caparida. 30 anyos na pitong buwang buntis.


Kasalukuyan namang nagpapagaling sa pagamutan ang isa pang anak na babae na kinilalang si Florijen Bastatas 35 anyos , na nagtamo rin ng mga tama ng punglo .

Agad namang nadakip sa follow-up operation ang 62-anyos na suspek na kinilalang si suspek Vergilio Sayago, ng nasabi ding barangay.


Base sa imbestigasyon, matagal nang may alitan ang magkapitbahay dahil sa lupain ng mga biktima.

“Dahil sa awayan sa lupa, sa boundary,” ani Capt Golitod .


Tumindi ang kanilang away ng sitahin ang mga biktima ng suspek dahil sa umano’y pamumutol nila ng tanim na niyog ni Sayago na nasa hangganan ng kanilang lupain.

Dahilan umano ito para magpuyos sa galit ang suspek na humantong sa pamamaril gamit ang isang 357 magnum..

Walang bahid na pagsisisi ang suspek na makaharap ng mga imbestigador at plano pa umano nitong ubusin ang pamilya ng mga biktima subalit nagloko lamang ang baril na nakuha niya kapalit ng alagang manok.

Tags: Minglanilla Police Station

You May Also Like

Most Read