Mag-ama huli sa pampasabog, bala

ARESTADO ng Batasan Police operatives ang ­­mag- ama nang mahulihan nang pampasabog at mga bala sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa lugar.

Nakilala ang mga nadakip na sina Julius Lincuna Sr., 50 at anak na si BJ Lincuna , 23 .

Nasamsam sa mga ito ang apat na TNT high explosives at isanglibong piraso ng bala ng AK47.


Ayon kay Lt. Col. Alex Sonido, Station Commander ng QCPD station 6, minanmanan nila ang Sitio 4 Kaliwa Batasan Hills dahil sa intelligence report kung saan lalaki na may denideliver na may bitbit na bayong ang nakita nilang nagdeliber nito sa isang bahay doon. Dito na umano isinagawa ang pagsalakay kung saan nakatakas ang may dala ng bayong na naglalaman ng pampasabog, at mga bala.

Itinanggi naman ng mga suspek na sa kanila ang mga pampasabog dahil iniwan lamang ito sa kanilang bahay.

Aminado naman ang mga suspek na dati silang may firearms and ammunition store sa Batasan pero nagsara na umano ito at nalugi dahil sa pandemya.

Sila anila ay Taga Surigao del Norte at mayroon din da­ting ganitong negosyo noon.


Ang mag-ama ay nakakulong pansamantala sa QCPD station 6 para sa kaukulang pagsasampa ng kaso at disposisyon.

Tags: Batasan Police operatives

You May Also Like

Most Read