MABAGAL NA PAGPAPAUNLAD NG IRIGASYON SAGWIL SA SEKTOR NG AGRIKULTURA

MALAKI ang posibilidad na maging sagwil sa mga programa ni President Elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa sektor ng agrikultura partikular sa food production at food security ang kabagalan ng pagpapa unlad ng irrigation system sa bansa.

Mismo ang National Irrigation Administration (NIA), ang nagpahayag na napakabagal ng pag-unlad ng irigasyon sa Pilipinas . Nasa 2% lamang ng potensyal na irrigable area na humigit-kumulang 1.3 milyong ektarya taun-taon dahil sa kakulangan ng suporta sa badyet para sa mabilis na pagpapatupad ng mga big-ticket multi-purpose project.


Sinasabing lubhang mabagal ang yugto (phase) ng paghahanda ng mga proyekto dahil sa pagkabigo ng mga lokal na consultant na maghatid ng mga kinakailangang output tulad ng feasibility study at detalyadong engineering design at conversion ng develop irrigated areas para sa iba pang gamit ng lupa tulad ng residential, industrial at iba pang layunin.

Dahilan upang ituon ng NIA sa pamumuno ni Administrator Ricardo Visaya ang kanilang focus sa Public-Private Partnership (PPP) para mabilis na pagpapaunlad ng irrigation system sa Pilipinas.

“With the PBBM’s top priority concern placed upon on the agriculture sector, NIA strongly pursues collaboration on Public-Private Partnership (PPP) program to boost the Philippine irrigated agriculture, ayon pa sa pamunuan ng NIA .


Sa kasalukuyan, ang NIA ay may 50 potensyal na proyektong pang- irigasyon para sa PPP sa buong bansa. Na kung saan ay pawang mga major o big-ticket multipurpose projects na may hydropower component na may potensyal na maging floating solar power farm, at Small River Irrigation Projects (SRIPs) o mga medium-sized na dam na may reservoir na may potensyal para sa floating solar power farm at/o mini-hydro power plant.

Kasabay na hangarin ng NIA na makagawa ng mga dam at reservoir nito para sa renewable energy sa tulong ng Pribadong Sektor, target ng mga proyekto na bumubuo ng malinis na enerhiya habang nape-preserve ang lupain na maaaring magsilbi sa iba pang layunin, partikular na para sa agrikultura


Ayhon sa NIA sa pagsali ng Pribadong Sektor sa pamamagitan ng Private-Public Partnership (PPP) ay mapabilis ang pagpapaunlad ng irigasyon sa pamamagitan ng pag-aalok ng iba pang potensyal na benepisyo mula sa mga proyekto ng patubig tulad ng hydropower at floating solar power generations.

Inihayag ng NIA na ilan sa mga potensyal na major multipurpose projects para sa PPP ay ang Balog-Balog Multipurpose Project (Hydropower Component) sa Tarlac, Ilocos Sur-Ilocos Norte-Abra Irrigation Project sa Region I, Panay River Basin Integrated Development Project sa Capiz, Ilaguen Multipurpose Irrigation and Power Project sa Isabela, at Balintingon Multipurpose Project sa Nueva Ecija.


Nabatid na ang P33.75-bilyong Casecnan Multi-Purpose Irrigation and Power Project (CMIPP) ay ang unang PPP Project na ipinatupad ng NIA. Ang proyekto ay gumagawa ng kuryente sa pamamagitan ng 150 MW hydropower plant at inililihis ang tubig sa pamamagitan ng 26.27 km underground tunnel papunta sa Pantabangan reservoir sa Nueva Ecija.

Ang CMIPP ay matagumpay na naisagawa sa pamamagitan ng isang Build, Operate, and Transfer (BOT) Agreement sa pagitan ng NIA at Cal Energy Casecnan Water and Energy Company, Inc. (CECWEC) noong Nobyembre 13, 1994. Isinagawa ng CECWEC ang Turnover Ceremony ng Casecnan Hydroelectric Power Plant upang NIA at SALMO noong Disyembre 10, 2021.

Dahil nakikitang karapat-dapat ang PPP para sa pagbuo ng kuryente, irigasyon, at climate change mitigation at adaptation infrastructure projects, nakikita ng NIA ang pakikipagtulungan sa Pribadong Sektor ng isang pagkakataon upang makakuha ng pinabuting kahusayan at mga proseso ng pagpapatupad ng proyekto sa paghahatid ng mga serbisyo sa publiko, lalo na sa ating mga magsasaka.



Sa pagtutok ng PPP sa mga pinababang gastos, mas magandang alokasyon sa peligro, mas mabilis na pagpapatupad, pinabuting mga serbisyo at posibleng pagbuo ng karagdagang kita, nananawagan ang NIA Top Management Officials sa Pribadong Sektor sa mga kinakailangang pamumuhunan sa agrikultura ng Pilipinas. (VICTOR BALDEMOR)

You May Also Like