Hindi lamang sa Pilipinas ang mayroong mababang COVID -19 booster uptake.
Ito ang inihayag ni infectious disease expert na si Doctor Edsell Salvaña, dahil kahit sa ibang bansa aniya ay nakakaranas rin ng parehas na situwasyon.
Sinabi ni Salvaña ,dapat na sabayan ito ng mas mataas na coverage partikular na ang bivalent booster upang magkaroon ng proteksiyon laban sa COVID- 19.
Ito ay sa dahilan na kahit mababa ang bilang ng mga namamatay, marami pa rin ang nahahawa dahil sa mga mga bagong variants.
Una nang nagbabala ang Department of Health (DOH) na kapag mababa ang booster uptake , apektado rin ang immunity coverage na isa sa mabisang panlaban sa malubhang sakit dulot ng omicron subvariant. (Philip Reyes)














