Muling nabuksan ang isyu tungkol sa palit mic nang nakapanayam ni Ogie Diaz ang dating aktres at ngayon ay alkalde ng Bayambang, Pangasinan na si Mayor Niña
Jose-Quiambao.
Nabatikos kasi ng netizens ang alkalde ng Bayampang, Pangasinan nang papalitan niya ang mic nagsasalita.
Kaya may ilan umano ang nagsasabi maarte siya.
Ayon kay Mayor Niña, nagpakatotoo lang daw siya sa pagsasabing ‘mabaho’ ang gagamiting mikropono sa naturang flag ceremony nila sa kanilang munisipalidad.
“Meron kasing nang-edit nun, hindi ko nalang papangalanan pero alam mo naman kung sino. Meron kasing nagplano ng masama towards me, i-sabotage ako, paninirang-puri,” pagbabaliktanaw ng alkalde.
“In-edit nila ‘yung video to make it seem like napakaarte kong tao which is true, maarte po talaga akong tao, inaamin ko ‘yun!”
Bagama’t inamin niya ito, nilinaw ng alkalde na hindi nangangahulugang masama siyang tao.
“Maarte ako pero hindi ako mapagmatang tao. I’m just being real. Pero it doesn’t mean to say na maarte po ako e hindi ako mabait na tao and hindi ako tumutulong sa kapwa ko. Innate na po ‘yun sakin. tinuro po sa’kin yung ng mommy ko na kailangan mong tumulong sa kapwa mo kailangan mong mag-give back, kailangan mo to pay it forward.
“Pero humingi naman ng tawad yung tao. Hindi ko lang alam kung sincere siya,” ayon sa alkalde.
Aminado si Nina na labis siyang naapektuhan sa issue pero sa tulong ng kanyang pamilya at mga taong tunay na nakakakilala sa kanya ay nawala ang guilt niya sa sarili.
“Dati ‘dun sa mic, honestly Mama O, I wanted to die na. I wanted to give up. Sinasabi ko kay Cezar ‘yun pero sinabi niya sa’kin na ‘no you’ll be okay, you’re strong. Marami ka pang pinagdaanan kesa dito. ‘Yung mga umaaway sa’yo hindi naman nila alam yung tunay na ikaw,” kuwento nito.
Humingi rin ng tawad ang alkalde sa mga taong kanyang nasaktan.
Aniya: “I just want to apologize po if may mga na-offend ako na tao with what I’m saying or with that I am. I don’t mean any harm. I don’t mean any intention na
mang-apak ng tao because number one rule po ‘yan sa’min na bawal mang-apak ng tao. ‘Yan yung mga isa sa mga natutunan ko sa mommy ko.”














