NAGSIMULA nang kumilos ang walong eksperto mula sa United States para tumulong sa paglilinis ng dambuhalang oil spill na nilikha ng paglubog ng Marine Tanker MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.
Ito ay matapos na matunton ng Japanese remotely operated vehicle (ROV) ang lokasyon ng lumubog na oil tanker sa Oriental Mindoro, na lumilikha ngayon ng malawak na oil spill na umaabot hanggang sa mga kalapit na lalawigan.
Upang maiwasan pa ang malaking pinsala ay humingi na ng tulong ang Pilipinas sa United States at Japan para hanapin MT Princess Empress na sinasabing may kargang 800,000 liters ng industrial fuel oil nang lumubog ito noong February 28. 2023 na tinatayang nasa lalim na 400 meters.
Tutulong ang Japan at US sa Philippine Coast Guard para marating ang wreckage at alisin ang nalalabing langis na karga nito.
Tutulong din ang ipinadalang coast guard personnel ng Japan para imbestigahan ang oil spill at gabayan ang mga awtoridad sa ongoing oil removal and control activities”, ayon sa Philippine Coast Guard.
Samantala nasa Oriental Mindoro na ngayon ang walong expert na ipinadala ng U.S para tumulong sa pagsawata sa oil spill sa lalawigan
Ayon sa inilabas na impormasyon ni U.S Ambassador to the Philippine Mary Kay Carlson, kabilang sa 8 man tam ng US ang limang kasapi ng U.S. Coast Guard (USCG) National Strike Force na magsasagawa ng pagtuturo hinggil sa kanilang mga kasanayan at assessment sa mga affected areas para malaman ang pinaka effective method at equipments na kakailanganin para makontrol at malinis ang oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress.
Samantala sa pamamagitang ng funding mula sa U.S. Agency for International Development (USAID), dalawang kasapi ng U.S. National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA) ang makikipag tulungan sa Philippines Department of Environment and Natural Resources para magsagawa ng rapid environmental assessments sa mga affected areas, identify priority areas at risk of environmental damage, and assess needs for ecosystem restoration.
Bukod sa ROV na ginamit ng Japan sa paghahanap sa lumubog na tanker ay pinag aaralan din ng U.S. Navy Supervisor of Salvage and Diving ang mga technical parameters na kinakailangan para masuportahan ang posibleng deployment pa ng remotely operated vehicle.
“When vessels are in deep water, as in this case, cleaning up the remaining oil becomes a complicated issue. Through our incident management professionals’ wealth of experience and strong expertise in oil spill response, we will assist the PCG in developing safe and efficient methods to contain and recover the oil and minimize damage to the environment,” sabi pa ni Commander Stacey Crecy, commanding officer ng USCG Pacific Strike Team.
“The USCG remains deeply committed to our relationship with the PCG.”
The United States “has committed to help” the country to clean up the oil spill off the waters of Oriental Mindoro, Department of National Defense (DND), Defense officer-in-charge Carlito Galvez, Jr. said
US government’s Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) team is on their way to the Philippines based on his phone call with US Defense Secretary Lloyd Austin.
Tinatayang nasa mahigit na 2,500 hectares ng coral reefs, mangroves at seaweed ang masisira ng dahil sa oil spill,ayon sa DENR. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)