Latest News

LUIS, JESSY KINASAL NA SA SIMBAHAN

By: Beth Gelena

TULAD nina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero, muling nagpakasal sina Luis Manzano at Jessy Mendiola nitong February 15.
This time, church wedding na ito unlike noong una na isang civil wedding sa The Farm, San Benito, Batangas last  February 21, 2021.
Sa Coron, Palawan naganap ang church wedding ng celebrity couple, na ang nag-officiate ay si Father Tito Calauag.
Wala pang mga larawan ng kasal nilang dalawa.
Kaya komento ng isang netizen: “Pakisabi itago na lng nila mga pics feeling relevant masyado bwal magpost mga bisita para s vlog nmn”
“Gusto lang nila na una silang mag post ng pictures. Baka bukas pwede na.”
“Siempre for their vlog. Alangan naman iba pa unang makinabang.”
“Feeling relevant binawalan mga bisita.”
“Sa happy news muna tayo. Excited to see Rosie sa dress niya.”
“Refreshing to hear this kind of news. Di puro hiwalayan.”
“Ok ito, good news. May forever din naman.”
Tags: ,

You May Also Like

Most Read