Latest News

Lucky Me products, ligtas kainin – FDA

BINIGYANG linaw ng Food and Drug Administration (FDA) na ligtas kainin at pasado sa ethylene oxide levels na pinahihintulutan sa Europa ang mga produkto ng Lucky Me! na gawa sa Pilipinas.

Sa isang advisory na inilabas ng FDA nitong Hulyo 16, 2022, nabatid na kabilang sa mga naturang produkto ang Lucky Me! Pancit Canton Regular, Lucky Me! Pancit Canton Extra Hot Chili, Lucky Me! Pancit Canton Chilimansi, at Lucky Me! Instant Mami Beef Regular.

Ang Lucky Me! Pancit Canton Kalamansi naman ay nakitaan ng wala pang 0.01 mg/kg na ethylene oxide, ngunit ligtas pa rin anila itong kainin dahil mas mababa pa ito sa “acceptable level” ng European Union na nasa 0.02 mg/kg.


“The FDA wishes to clarify that all flavor variants of locally manufactured Lucky Me! Instant Noodle, namely Pancit Canton Regular, Pancit Canton Extra Hot Chili, Pancit Canton Chilimansi, and Instant Mami Beef Regular, including Pancit Canton Kalamansi pass the standard for ethylene oxide and are safe for consumption,” advisory pa ng FDA.

“The level of ethylene oxide in Pancit Canton Kalamansi passes that standard for ethylene oxide even of the European Union,” sabj pa nito.

Ang paglilinaw ay ginawa ng FDA kasunod ng pagpapa-recall sa mga produkto ng Lucky Me! sa Taiwan at ilang European countries, dahil sa umano’y taglay nitong mataas na ethylene oxide levels.

Una na rin namang sinabi ng Monde Nissin, ang kumpanyang gumagawa ng naturang instant noodle brand, na hindi sila naglalagay ng ethylene oxide sa kanilang produkto at maaaring ang nakitang traces nito sa kanilang produkto ay ang kemikal na ginamit bilang treatment sa kanilang mga binibiling raw ingredients, gaya ng spices at mga buto.


Tags: Food and Drug Administration (FDA)

You May Also Like

Most Read