TINATAYANG umaabot sa 1.8 million direct at indirect jobs ang nalikha ng Lucky 8 Star Quest sa bansa sa loob lamang ng isang taon at kalahating operasyon nito.
At sa pamamagitan ng corporate social responsibility (CSR) arm ng Lucky 8 Star Quest na Pitmaster Foundation Inc. sa ilalim ng pamumuno ni Charilie ‘Atong’ Ang bilang chairman, ay hindi lamang nakapaglikha ng milyung-milyung trabaho, nakapag-donate din ito ng mahigit na P955 million sa iba’t-ibang programa kabilang na ang pagtugon sa Covid 19 at vaccination, mga gamit sa ospital at rehabilitasyon, disaster at hunger relief, livelihood assistance at iba pang programa.
Kinilala rin ang Lucky 8Star Quest bilang pinakamalaking taxpayer ng bansa dahil nakapag-remit ito sa gobyerno ng P2.6 billion.
Bukod sa paglikha ng milyung-milyong direct at indirect jobs ng Lucky 8 Star Quest, ang executive director ng Foundation na si Atty. Caroline Cruz ang naging punong abala naman sa paglikha ng mga charity work sa mga komunidad at institutional partners. Ang Foundation ay isa sa pinakamalaking private sector na pinagmumulan ng medical at financial assistance para sa mga mahihirap.
Nabatid pa kay Atty. Cruz, na umabot na sa 13,000 Filipinos ang natulungan ng foundation sa pamamagitan ng dialysis treatments, isa sa napakalaking pabigat sa bulsa ng pamilya may pasyenteng may sakit sa kidney. Nakapagbigay na rin ito ng pagkain sa may 350,000 pamilyang Filipino, na siyang labis na kailangan sa panahon ng COVID-19 pandemic lockdowns.
Ayon kay Ang, ang layunin ng Lucky 8 Star Quest at ng Foundation ay makalikha ng hanapbuhay sa mga Filipino at ang makatuwang ang gobyerno, civil society, at iba pang partners upang magkaroon ng katuparan ang misyon nito na direkta at buong pagmamalasakit na pagtulong sa mga Filipino na higit na nangangailangan.














