Latest News

Lucena, Quezon, ‘very low risk’ na sa COVID

ISINAILALIM na sa ‘very low risk’ sa COVID-19 ang Lucena City sa Quezon.

Ayon sa datos ng OCTA Research Group na ibinahagi ni Dr. Guido David sa kanyang Twitter account nitong Linggo, nakapagtala na lamang ng “very low” average daily attack rate (ADAR) na 0.79 at positivity rate na nasa 3% .ang lugar.

Nabatid na ang ADAR ay tumutukoy sa daily average number ng mga bagong kaso ng sakit kada 100,000 katao habang ang positivity rate naman ay ang porsiyento ng mga taong nagpopositibo sa sakit mula sa kabuuang bilang ng mga taong sinuri laban sa virus.


Nalaman na nakapagtala rin ang Lucena City ng very low risk na reproduction rate sa 0.13 at healthcare utilization rate (HCUR) na 15% na lamang.

Ang reproduction rate ay tumutukoy sa bilang ng mga taong maaaring ihawa ng sakit ng isang pasyente. Ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay indikasyon nang pagbagal ng hawahan ng virus.

Habang ang HCUR naman ay
occupancy ng isolation, ward, at intensive care unit beds, maging ang paggamit ng mechanical ventilators.

Kaugnay nito, sinabi rin ng OCTA na ang National Capital Region (NCR) ay nananatiling “low risk” sa COVID-19 sa ADAR na 3.19, na pagbaba mula sa dating 3.36 noong Biyernes.


Samantala, ang positivity rate naman sa NCR ay nananatili sa 6% na nasa moderate risk habang ang HCUR na nasa very low pa rin ay bahagya pang bumaba ng mula 26% ay naging 25%.

Ang reproduction rate naman ng rehiyon ay nananatiling very low sa 0.20.

Nalaman na maliban sa NCR, ang iba pang lungsod na nasa ilalim na rin ng low risk classification sa COVID-19 ay ang Angeles, Bacolod, Dagupan, Lapu Lapu, Olongapo, at Tacloban. (Carl Angelo)


Tags:

You May Also Like

Most Read